Tuesday, October 27, 2009 ❀
Grabee, blodshed dis day. Pero bago muna babati lang ako:
HAPPY 14th BIRTHDAY
Juliet Angeline Rodriguez-Angeles
Advance 15th BIRTHDAY
Dionesie Joy Sta. Lucia-Perucho
Tama na, on to business!
ENGLISH = Group Presentations. Samin kasi, ahmmm, think of your own problem ee. Sa kanila may nakaassign. And so there.
PHYSICS = Nagseatwork. Hahahaha. 19/35. Okay na yan regarding na ako lang nagsagot. Di ako nagpatulong ee. Tas eto pa oooo:
SIR ARCILLA: Ano Erwin, kaya ba???
AKO: Yes sir, kaya!
SIR ARCILLA: (sabay tapik sa likod ko)
CHEMISTRY = Eto na ang aking Sleeping Hour. Sus, la ulet ako maintindihan. Puro na lang Yes Maam!
LUNCH = After more than 4 months, first time ko ulet kumain ng lunch sa canteen! Achievement. Tas nakireview aku with Mendel.
AA = Kung dati Sleeping Hour ko to, ngayon di na. Hehehe. Ansaya ngaun!! Eto o.
MENDEL: (kinantahan ng Happy Birthday si Juliet)
Mayamaya....
MENDEL: CORNETTO!CORNETTO!CORNETTO! (si Mam Manalo din, nakiride, hahahaha!)
Pero the fun does not end here. Yung magjojogging daw, lumabas na! Hahahaha. Pero nagaalinlangan sila.
ANA: Maam, baka ibabackstab niyo ulit kami!
MAAM MANALO: Anung backstab? Mas maganda nga pag frontstab eh. Kasi pag backstab (nagdemo siya). Pero pag frontstab (sabay demo na parang natatakot)
Pero natuloy pa din ang jogging. And in the end, dumami na rin ang nagjogging. Tas eto na:
MAAM MANALO: Oh, wala na magjojogging?
KAMI: Mam, wala na po!
MAAM MANALO: Oh wala na! Sige, isara niyo na yung pinto!
KAMI: (sinara yung pinto!)
Tas yun, nilagyan din namin ng lock yung sa isang door. Suspense. Minamadali namin si Jose. Pinatay din namin ang ilaw para magmukhang wala kami. Tas yun, successful, nakatunganga lang kami muna.
Then nagsidatingan sila.
ISANGMENDEL: Ui bakit sarado??
VLAD: Baka lumipat sila ng kwarto!
KAMI: (tumawa ng patago)
Tas yun, struggle sila sa pagbukas. Akala nila kung asan kami napadpad. Kaso nakita ni Jonalyn si Aris. So in the end, pinapasok na rin sila. Test daw yun kung anu daw reaction nila at kung may willingness ba silang matuto!
Then discussion tas seatwork ata. 10/10 ako. Ako din naassign magcheck. Hehe
JOURN = May project kamiiii. Diniscuss lang namin.
FILIPINO = Buti wala!! Kaantok. More time to study ST.
TW = Observers na naman kami. Nagtest ang Calvin habang kami naman ay gumawa nung definition.
SS = Nauna kamiiii. Tas dito na nagstart ang blodshed. Biruin mo take 3 quizzes in 55 minutes. Plus yung isa dun, 100+. Ay wow. Buti, naging mapagbigay ang mga Mendel. Hehehe.
ABR = Ayun review for the summative test. Tas tinest ang Chapter 1. Ayun, 9/20. Waaaaah. Sayang iba.
CS = Ayun, sermon marathon. Tas anu pa ba. Seatwork. Hehehe.
Uwian na! Tas nung nagsumbong daw si Rhonald, takbuhan naman daw kami.
And that's it.
Enjooooy the day.
happiness doesn't exist. 3:13 AM
❀
Friday, October 23, 2009 ❀
WARNING: Mahabahabang post, kaya maging pasyente :D
Ayun, foundation day nga today. And second time ku lang magcelebrate nito (last year kasi, absent aku dahil sa sakit, so yun). Kaya, andaming makukwento ngaun. Hahaha. So, start na.
Pagpasoook, walang makita sa pila. So anu naman, loner aku dun sa sulok. Anywayz, tas nakita ku pumapasok na ang mga tao. So ayun, todo hanap naman aku sa mga Mendel. Buti nakita ko si Jubs at si Elaine. Pati si KrishaMarq. So yun, punta kami sa loob. Tas nakita namin ibang Mendel. Akyat kami kasi sa Homeroom daw ilagay ang gamit. Since sarado pa homeroom namin, sa labas na lang namin nilagay ang gamit namin. Tas yun, daldal muna. Tas sinita kami. Tinanong ba naman samin kung bakit bukas na ang parang gate sa third floor. Ayun, explain explain. Baba na agad kami. For Mass ee.
Mass. Aliw na naman aku. Hahahaha. Tas ayun, andami pang nangyari dito. Di ko lang masabi. Hehe. Then afterwards, punta kami ng homeroom ULET. Kinuha lang namin gamit namin. Tas hinanap si Mam Faylogna. Then ewan ko ba kung bakit kami tumungo sa MAPEH room. Tas ayun, umakyat nga kami. Nag-aayos ang mga faci. Balik muna kami homeroom. Then, andun na ibang Mendel. Usap-usap ulet. Pero, DUMATING NA NAMAN SIYA. Sinita ulit kami. Tas chineck ang homeroom namin, BUKAS AIRCON. Pano daw nangyari?? Ewan. Nalagay na rin namin gamit namin sa homeroom tas balik Mapeh Room. Dun, kuha headress at tshirt. Balik homeroom agad (Pabalikbalik lang kami, sus). Yun, paunahan kami sa homeroom. Nauna mga girls na UBOD NG TAGAL SA PAGBIHIS. Hayyy. Dahil dun, sila, nagpakabeyn. Hehe. Share ko lang (kinuha ko lang to sa facebook ni Asher):
And after ilang attempts sa pagtakot sa girls, nakapagbihis na rin kami. Sabay pasok din si Mam Faylogna. Yun, diniscuss yung issue tungkol dun sa aming homeroom at tsaka sa aircon na nakabukas kanina. Nagbihis na rin kami. Blah blah blah. Akala ku wala na akung clapping thingy at necklace. Buti meron pa. Balik Mapeh Room!!!
And dun na kami nagpapintura sa aming kamay, binti at face powder. Tas nakakita din ulet aku ng pic, eto share (mamaya ku na ishare yung mga natake ko):
After magpapintura sa kamay, braso, binti (di pala aku nagpapintura sa binti!!!). Yun, punta na kami sa pila. Blah blah blah. Natapos na yung kila Mam Amar (talagang naeewan aku dun sa kanta nila, yung after ng malatribal na song). Tas yun, chika chika chika. FIESTA!! Mam Palisoc na. Tinangka nung iba na manood pero bawal daw. FOURTHYIR na!! Kami na sunod. Since nakatsinelas pa ako, nagtanungan kami kung san namin iwan tsinelas. Yun, sa may trophy. Hahaha. KAMI NA!!! Perform naman kami. Share one pic.
After it. Hugas. Puno ang CR. Botanical garden daw. Puno din. TLE room ni Sir Pagulayan, PUNO DIN. Tas yun. Di ku na alam kung san aku maghuhugas. Napadpad din sa may CR ng CS. Hahahaha. Agawan sa tubig. Akala mo walang tubig ee.
Then, balik homeroom. Nagpalit na ako ng attire ko. Pero dumating na din ang aming TSHIRT. "It's all in the genes!" Hehehhee. Pero wag daw muna idistribute hanggang di pa dumating si Remiel. After ilang minutes, nadistribute na din. And nagkaron din ng pics wid Mam Faylogna. (Eto akin na talaga to!)
Tas after those vanity sessions, aku naman nanghatak ng pwedeng makasama sa pic. Eto:
Marami pa niyan, pero dito aku nacutan. Hahahaha. Tas bumaba na kami. LUNCH WID MENDEL AND MAM FAYLOGNA. So yun, eto ang complete list ng mga sumama (plus ang di na tumuloy sa iba)
- Marc
- Remiel
- Amiel
- Jose
- King
- Azer
- Gab
- Aris
- Perandos
- AKO (Malamang)
- Najer
- Johannes
- Asher
- Rhonald
- Ian
- Vlad
- Ana
- Jubs
- Marielle
- Leah
- Kristine
- Krisha
- Jonalyn
- DJ
- MAM FAYLOGNA!!
So first stop, KFC Faura. Kaso, PUNUNG-PUNO. So labas na kami agad. Blah blah blah. ROB daw. So sakay kami jeep. Hehhe, nahati kami. Sumama ako kina Mam Faylogna. Libre pamasahe. Hahahaha. Tas habang nagsakayan kami, nakita ko si Rhonald, bumalik na Masci (ayaw na sumama???). So yun, nabawasan kami.
Pagbaba ng dyip, REUNION daw. Hahahahaha. Sigawan kami. Tas yun, mahabang paglalakbay (shortcut ko na). Andami naming tinangkaang puntahang restaurant (KFC, Food Court, Shakey's, Wendy's, Kenny Roger's, Mcdo, Jollibee, etc.) Pero dahil andaming tao, wala din. Sina Gab, nagpaplanong tumakas. Hahahaha. So san kami nauwi? Sa Inasal. Dun sa labas ng Rob. And luckily, bakante ang second floor. Kaya, samin buong second floor. Hahahha. Ang ingay.
Order order. NagCombo meal ako. Nagbottomless iced tea din aku. Hahahahah. Tas andami ding vanity. Hahaha.
Then kuhanan na ng bill. Anhabaaa ng receipt. Hhahahaa. Iwan ba naman si Mam Faylogna. CR?? Hahahhaa. Tas bayad bayad. Muntikan na akong makakalimot. Hehe. Tas nagkaissue, walang sukli si Asher. 300+ din yun ha.
Balik Masci. Sina Gab na naman, tatakas ulet. Hahahah. This time, sarisarili na bayad. Instead na malibre aku, nanlibre pa ako. Hayy. Balik Masci. Sabaysabay kaming pumasok. Saka lang namin nalaman na nawalan ng wallet sa Amiel Awww.
Then yun, banda banda na. Nanood din. Tas yun, naantok ako. Matulog sana aku sa Homeroom. Kaso aalis na si Mam. Yun. Then, iannounce, 3:30 PM ang Binibining Gandang Masci. Waaaaaah. Pagod pa nga ako ee. Pero instead na aku kusang pumunta, gustu kong masundo muna. Hahahaha. Ayun, nasundo aku, punta sa Chem room. Naghilamos muna. Then, MAKEUP.
And di na scripted sasabihin namin. Waaaaaah. Pero isa sa mga tanong talaga ay ang Being A Mascian. So yun, nanghatak aku ng mga Mendel. Salamat sa sagot na sinabi ni Jose. Ewan ko kung kanino galing.
And showtime!!! Grabe, skip ko na nga muna ito. Hahahahaa. Basta 3 Things: Beauty, Brains and Breathing! Hahahaha. Basta, all I can say na lang, mas better pa dito kumpara nung sa Blackout. As in. (Disaster lang nangyari sakin nung time na yun).
And announcement ng winners. Dun sa votes. Yung mga votes na PINAGHIRAPAN NG MENDEL BOYS (grabe pagronda nila, kainspire). Hehehe, may tie daw. Ke tie yun, di ku ineexpect na ako mananalo. Feeling ku Berzelius mananalo ee. Pero ayun inaannounce na yun, biglang "Binibining.......Binibining Gandang MENDEL!!!!" NANALO akoooo???? Napanganga na lang ako. Nyaaa. Nanalo ako!!! Hehehe. Then bihis na, balik Mendel. Pero pinagtripan namin ni Jonalyn ang sash at crown ko. Hahahah, eto:
Then akyat na ulet aku sa may homeroom. Tas andami pang nangyari afterwards:
~Tuloy ang jailbooth
~Bigla ba namang may nag-announce kay Jane na uso daw ang deodorant (ansama nga daw ee)
~Kinasal sina King at Gillea
~Nagkiss sila
~Tumambay kami sa may hagdanan.
And that's it, nakakatamad pa ring magkwento, anhaba na nga ng blog ee.
LABYU MENDEL!!!!
happiness doesn't exist. 7:03 AM
❀
Friday, October 16, 2009 ❀
Super duper kabadtrip ang araw na to. Basta, explain ku na lang. Hahahaha.
Morning Activity as usual. At DST na next week. 5:05 dismissal! Hehe. Tas ayun, pinapapunta na sa first period class kung andyan na teacher niyo. Eh alam niyo naman si Mam Lucena, kailangan pang sunduin bago kami masundo. LOLs. So yun, expected, wala pa siya dun. Kaya sinundo muna. Tas yun, dumating na rin siya. Pag-akyat namin, parang first day, antahimik medyo.
Kami na lang di nakapagpresent sa English, kaya un. Essay naassign samin. Tas blah blah blah. Akala ku lalaitin ni Mam Lucena presentation namin, pero buti hindi naman. Naiwan na nakapost ang visual sa blackboard hanggang sa next class. Take note: AKO NAGSULAT NUN! (at andaming masking, di ku narewrite ee). Nagshare din nga pala kami dito.
Physics, busy pa Scidept kaya wala muna Physics. Alam din namin walang Chem, kaso andugaaa. Umattend samin si Mam de Paula (gc much??). Chechekan yung pinatakehome na quiz na majority ay hindi nakagawa at hindi dinala ang notebook. So yun, pinasagot din sa room. Labyu Mendel. Hahahaa!
AA naman ay nagdiscuss ng bagong lesson na nagets ku naman agad. Hehe. Tas nakakaloka, yung ibang teachers, pinagtripan namin. Kung anung shape ng katawan nila base sa mga types of graphs. (Example: graph ni Mam ******** = two quadratic equations daw). Hahahaha. Basta andami pa nun, secret na lang.
And Homeroom, wee nagtalk about courtship, MU, mga values and etcetera. Values Education III? Hahahaa. Well, feel ku na maging adviser si Mam Faylogna. Hehe. Tas ayun, sabi niya Foundation Day, sabaysabay kami maglunch. Wow. Ayooos. Kaso, feeling ku, IBA DIYAN DI SASAMA!! (KJ much). Hayun. Nagplano din sa tshirt, pagkain and etcetera.
MAPEH na. Naku, nagalit si Mam. Katakoooot. Basta galing daw sa Mendel yung nag-ANO. Hahaha. Di ku na sasabihin.
Next up, Journ, sina Kristine at Azer ay naiwan para sa paggawa ng kuro-kuro habang kami nina Romae at Ica ay nagliwaliw para sa 46 firsts. Successful naman kami sa poet at may dinagdag kami, just in case. Pahinga naman. Nautusan nga pala aku ni Mam Reyes. Hayun. Dahil dun, 10 minutes na lang natira for lunch. Sana nagpaexcuse na lang kami.
And Filipino. Dito super NAKAKABADTRIP. Kasi naman UBER GALING NG TEACHER NAMIN KAYA ANDALI PARA SA KANYA NA MANLAIT NG GROUP WORK. Bahala siya. (GAGUHAN DAW)
And ayoko na ikwento sunod. Hahaha. Badtrip much.
happiness doesn't exist. 5:47 AM
❀
Tuesday, October 13, 2009 ❀
Andaming assignments. Sus. Kaya quick update lang to kanina.
~Oratorical nung ENGLISH. Napili ba naman aku sa mga 1st round. Hayyyy. Dami ku nakalimutan as in. Pero, I survived. Hehe. Naimpress naman namin si Mam Lucena. The best daw came from the first batch. Hahhaha.
~Problem Solving Quiz sa PHYSICS. Tagal na nung last. Anywayz, Isa aku sa lucky people na nakapasa. 18/30. Hahahaha. Passed na yun ha. And one of the high scores.
~CHEM is as boooooooooooring as ever. Nagbasa lang aku for recitation.
~LUNCH, nagturo, nagturo, ng mali.
~AA, may mga nagsurvey. Hahaha. Parang kahapon experience lang ha. English naman yun. Tas discussion.
~Discuss ng MDG at iba pa sa JOURN. Andami palang ipapasa dito. :D
~Pangkatang laging nasasabon sa FILIPINO.
~TW, nalate kami. Hahaha. Observers lang kami ng Calvin.
~SS, basta reporting. Tas may kinwento samin si Mam Lazaro. Katakoooot.
~Nagdefend lang si Rhonald ng Research niya sa ABR.
~CS, Quiz na naging mala kopyahan session. Ginawang takehome.
And that's it. Andaming gagawin:
~AWTPUT#6 sa Filipino
~2 Articles sa Journ.
~Article ko sa dyaryo
~CS Quiz???
~AA Assignment
Nebermaynd, andami namang vacant bukas. Hehehe
But still, andaming weekend projects:
~English na nireject
~ABR Notebook
~ABR Worksheets (OO, Pinapagawa na rin kami)
~Proposal ba? Ewan
Whatever, good luck people. Hahaha
happiness doesn't exist. 4:34 AM
❀
Friday, October 9, 2009 ❀
WARNING 1: Medyo Long Ang Post.
WARNING 2: Di muna colorful. Tinatamad magcolor ee.
Nu bang klaseng title to. Hahahahaha. La lang, mahabang backstory to ee. Sus. Anywayz, events ngaun.
UMULAN NG UMAGA . Maulan. Diretso classroom tutal. Hayuun. Ayoko pa nga lumabas ng car ee. Sa kadahilanang la ako makitang third year na nakaPE. Pero yun, may nakita ako, so diretso English room na. Tas pinapababa na kami, sa quad na Mass.
MASS . So Mass. Wahahaha. June pa ata huli kong matinong Mass sa Masci, dahil yung sa August, sa audi ee. Tas absent aku nung sa July at September. Ayun. Nakakaaliw ang homily.
TRIVIA: Alam mo ba, minsanan lang sa buong buhay ko na makinig ng homily wholeheartedly. Wahahahaha. Kasi laging nalilipad utak ko pag homily ee. Sus. (Pakabait na ako next time :D).
PROCEED DAW SA SECOND PERIOD . Physics un ee. Pero alam namin na practice na. So, kaming Mendel, nagpaiwan sa quad. Ayun, then ayun, follow the leader, punta Bordner, hahahahaha.
NAIYAK AKO . Well, naiyak ako kanina. Sus. Andrama. Actually, pinilit ko lang umiyak. Para tumigil na kasi ee. Incident kasi to kahapon sa Mcdo. Kahapon, inupakan ng mga Mendel ang large fries ko. Naalala ko tuloy yung nangyari kay Jose, nagwalkout nga siya ee. Pero ako hindi. Wahahahaha. Pero that evening, ginawa ko siyang stat sa YM. Tas si Mam Rico, binuzz ako, anu daw problem ko. Wahahaha. Wala naman. Pero kinwento ko yung tungkol dun.
Tas yun kanina. Parang pinag-iinitan nila (di naman silang lahat, yung iba lang) yung moment kahapon. Tas yun, nagsasalamin sila dun sa mirror, kaso, nung papunta ako sa kanila, biglang nagwalkout sakin. Tas yun. Napasigaw ako bigla ng konti, pero naignore din. Tas yun, halos parang namumuti na mata ko (term ko lang yun pag parang may portion na white lang nakikita ko sa mata ko). Nakita ni DJ, tas yun, tinanong niya kung okay lang ako.
Then, the thing happened. Naiyak nga ako. Pumunta ako dun sa isang tabi at nagbuhos ng sama ng loob. Grabeeee. Ayun, nagsilapitan ang ibang Mendel sakin. Ayiiieee. Wahahaha. Ayun, ayoko ko pa nga tumigil ee (seryoso to ha, pilit lang talaga yun). Then yun, natigil na rin. Hehe. LabyuMendel.
NOTE TO SELF: Para tumigil ang isang tao sa kakaasar sa iyo or something like that, umiyak ka na lang. Titigil din sila. Hahahaa. (Nangyari na din iyan sakin dati, at tinangka ko rin umiyak, pero di naman talaga totoo).
PRACTICE NA NGA DAW . Tas yun, sa UCB na daw. Blah blah blah (halatang nasa boring parts na ee). So yun, practice na nga. Ewan ko ba, parang this time, MENDEL NAPAPAG-INITAN NGAYON. Anyway. Dati kasi, kami laging napupuri ee. Hahahaha.
BREAK TIME . Yun, break daw muna. Buy muna kami pagkain, tas kakain kami sa homeroom. So yun. Then nung papaakyat na kami, pababa sina Najer ata. Si Sir Abella kasi nasa kwarto ee. Eh baka bawal kami. Pero, since HOMEROOOM NAMAN NAMIN YUN, pumunta kami sa room then yun, pinayagan kami. Tinanong din kami kung MENDEL KAMI. So yun. Kumain, nagsoundtrip, naglaro, nagpicture. Hahahaha.
MEETING NA . Meeting ng mga JOURN nung taym na yun. So sinundo muna namin ang ibang tao. Akyat na kami sa Maceda. Intay intay. Pinaremove ang shoes. Sus. FOOTRAGS BA KAILANGAN?? Hahahaha. Ayun. Katabi ko si GELLI sa meeting. Tas yun, daming pinag-usapan. Pakilala muna one by one. ANU TO FIRST DAY? (Nakalimutan ko kung sinu nagsabi). Then yun, magsusurvey daw kami tas andami pa. Wahahahahaha. Di ku muna isaisahin.
Pero yung magandang part yung 46 FIRSTS ng Masci. Wahahahaha. Nag-iisip kami kung ano. Mga FIRST VALIDICTORIAN, PRINCIPAL, etcetera. Tas lumingon ako bigla kina Anne, sabi ko, FIRST DROPOUT ng Masci. Hahahaha. Tawanan kami. Tas kung anoano pa nasabi ko, like FIRST TEACHER (sabi ko Mam *****). Hahahhahaa.
Tas yun, may naassign na topic sakin, PALARONG PAMBANSA. Di ko pa sure gagawin ko ee. Basta....
QUAD!!! . Pagdating namin sa quad, Facilitators nagpapractice. So yun, tambay lang muna sa quad. Amboring. Naisipan ko tuloy pumunta ng Homeroom ulet. Tutal AIRCON.
SAW V! . Ayun, nanonood pala sila, SAW V. Hahahaha. Eh madiriin pa naman ako sa horror plus yung patayan. Grabe. Wahahaha. Yung part dun na parang akala mo wala lang tas biglang NAPUGUTAN NA YUNG BABAE. Hahahaha. Ayun, ansaya ng panonood, tas pinapatawag na kami. NAGAGALIT NA DAW SI MAM. Takbuhan naman kami.
NAKATUNGANGA LANG . Hay grabe, amboring. Sana pala nagstay pa rin ako sa Homeroom. Hahahaha.
LAST PRACTICES . Then, may mga dinagdag na steps. Formation. ETCETERA. Nakakatamad. Wahahahaa. Nebermaynd. Then yun. Monday DAW may practice, ewan, kaso excused ata kami? Wahahaha.
And that's it, wahahahaha.Magcomment ka na lang
happiness doesn't exist. 6:14 AM
❀
Thursday, October 8, 2009 ❀
Weee. Masaya yung day naman na to. Kwento mode.
First off, maulan, so no more morning activity. Blahblahblah. Instead na mag-aral aku for Jonathan Seagull (and taking pride na hindi ulet ibibigay ni Mam Lucena ang test), nakipagdaldalan lang aku. So iyon.
Kaso, natuloy nga ang test nung English. Nu ba yan, di man lang aku nag-aral ulet. Hayyy. So yun, 50 items, anhiraaaaap. May fill in the lines pa, san ka nakakita nun? Hayyy. Enumeration naman, walaaaaa. Who said these lines, puro Chiang Sullivan lang nasa isip ko. But still, 20/50 ako sa test. Proud na ako dun kahit di siya ganung kataas. For the fact na hindi aku nag-aral, good na yun!
Physics naman, nagdiscuss, nagproblem solving. In fairness, madali ngayon ang problem solving, di lang sa way ng pagexpress ng equation ni sir (Father over Mother equals Anak), pero ayun, la masyado panglito. Today naman, Final Fantasy ang hinahanap, este Frictional Force. Wahahahhaa. Tas chinekan, proud ako dito: WALA AKONG MALI!!!! Imagine, Physics yan?? Wahahaha.
Parang free period ang 20 minutes ng Chem, ewan. May pinapasagot na naman si Mam de Paula. At nagexplain siya. Grabeee, naantok na ako sa subject na to, (so sorry!!). Pero yun, sagot sagot.
Lunch, kain kain.
AA, grabe, hindi na ako inaantok sa subject na to. Wahahahaa. I'm motivated. Wahahahaa. So yun, sagot sagot ng assignment at tsaka ng problems sa blackboard. Weee, gets ko naman. Buti naman. Weee.
Clearance week na yata sa Journ. Joke. Naglinis lang kami, punas punas here at doon. May darating daw na bisita ee. Wahahahaa.
Filipino, as usual, nakakaantok pero di ako nahikab. Read one by one tas discuss. Kaso nakakabadtrip din to. Bawal na nga ipasa ang Awtput 5 kanina. Hayyy. Okay na yun, tutal, di ko pinaghirapan.
Expect ko pa naman na di na ulet kami aattend ng Music. Pero yun reporting sa labas ng room. Tas nagquiz, 3/5. Hayyy. Nadismiss kami ng maaga, mga 20 minutes before the time? Basta yun, eh free time Trigo namin, so diretso canteen.
Niriot namin ang canteen, wahahahaha. Tas eto, super natuwa ako, ONE TABLE LANG KAMI NG MGA MENDEL. Nasusubok na rin unity ng Mendel. Yiiiii. Tas yun, balik stage, tambay.
Natuloy summative test sa ABR. Hayyy di ako nag-aral. In fact, WALA NGA YATANG NAG-ARAL SAMIN EE? 30 items, times two daw. Huwatever. Wahahahah
Walang CS, early dismissal, Mcdo!!! Bumili ng large fries, na INUPAKAN NAMAN NG MENDEL!!! At least di ako nagwalkout. Hayyy, nagmamadali ee.
Okay, that's end my day. Parang la aku gagawin, kaya nga nakakapagblog ee.
Sige, COMMENT!!
happiness doesn't exist. 4:27 AM
❀