Sunday, September 27, 2009 ❀
Weeee andaming nangyari dis week. Puro practice, family getaways, etcetera. Wahahaha, discuss natin mula Monday.
SEPTEMBER 21, 2009 (MONDAY)
Walang pasok ng araw na to. So, enjoy naman ako sa bahay. Panay PC lang naman aatupagin. Though may mga undone assignments pa ako nitong day na to, syempre, kailangan muna magenjoy.
Pero, I overheard my parents' conversation. Ipapadala sa pagawaan ung TV ng tita ko. Tas ayun, tanong tanong. Sama ba daw ako? Syempre, pag ako, kailangan din may merienda. Wahahaha, okay, so magmemerienda din kami later. So, sumama naman ako, pinagawa ang TV. Then yun, kain na kami. Di pa namin alam kung san kakain. Tas yun, Sbarro daw. Wow ah!! Ang sosyal naman. Merienda lang yun.
So yun, nauwi nga sa Sbarro ang merienda namin. Tas ayun, nagulantang lang aku kasi 3 consecutive songs na pinatugtog sa radyo, yung sinayaw ng Mendel sa Blackout. (Nobody, Jai Ho, Boom Boom Pow). Ohaaa, di ko lang nasabi sa kanila. Wahahaha. So yun, balik na. Inenjoy, gawa assignments. Nakatanggap ng GM na excused daw kami kinabukasan, so yun, natuwa naman ako. Wahahaha. Sige, next day.
SEPTEMBER 22, 2009 (TUESDAY)
Well, nagdala aku ng TShirt kasi nga daw excused. Pero, hindi na jogging pants kasi nakakatamad ee. At tsaka dadami naman dala ko. So yun, medyo ordinary naman ang day. Nagcontinue lang ang Storytelling sa English. Nakinig naman at nanlait (akala mo naman kung sino magaling). Tas, another formal discussion sa Physics (grabe, ang formal na magdiscuss ngayon ni Sir, wahahaha). Then Chem, may meeting ata si Mam, so early lunch kami. Weee. Kumain kami sa harap ng room ni Sir Pagulayan. Tambay.
Tas yun, excused na nga staring 11. Tumambay pa muna kami sa room ni Mam Manalo, tas nung dumating siya, pinaalis na niya kami kasi nga practice na daw. So yun, todo practice, by section! Wahahaa, pero ibaiba nagturo samin. Kami ni Rhonald, private tutorial with Leah. Adiik.
Anywayz, ang boring ng Tuesday, at least naexcuse kami. Ayaw ko magklase ee. Nasave kami sa SS. Yieeeh!
SEPTEMBER 23, 2009 (WEDNESDAY)
Ayun, pwede na daw pumasok in PE uniform. Sanay na kasi ako na nakaPE pagpasok nung DS days ko. So yun, hindi na ako naninibago. Tas yun, klase hanggang 11. Then excuse na. Ankonti ng dala ko, mangha naman sila, wahahahaa. Anliit kasi ni bag ee. Wahahaha. Sige, English, nagdiscuss lang ng PARticiple hindi parTIciple. Tas Physics, nagConceptual Quiz. First time in the making. Wahahaa. 18/20. Proud na ako dun, for the fact na hindi ako nag-aral. Wahahaha. Tas yun, napuri naman ako. Nag-aaral na daw ako. Hayuup. Anywayz, napuri ulit ako dahil alam ko kung ano ang tawag pag cgs ang units (which is dyne). Wahahaha. Discussion din sa Chem, kaso la akong notebook, tinamad. Ayuun. Lunch, kain kain. Sa Room ni Mam Manalo of course. Nakagraph nga pala PT namin sa AA. Grabe kung makikita mo sa Berzelius, mataastaas ang graph. Samantala sa ibang section, abot dulo. Waaaah.
Practice na ulit. Well, nadala ko camera ko, kasi alam ko naman magiging boring ang practice without pictures. So yun, picture picture. Share ko na lang next time ang pics. Todo practice naman tas in the end babaguhin mga steps namin. Sus. Kaasar naman. Wahaha
SEPTEMBER 24, 2009 (THURSDAY)
Again, PE pagpasok. Tuwa na ako dun. And andami na din nagbawas ng gamit, wahahaha. Natuwa naman ako. Okay classes ulit. English, discussion as usual. Wahahahaa. Physics, wala si Sir. Akala nga daw nagbago na si Sir, pero di pa rin. LOLs. Chem, nagquiz kami. Di ako nag-aral and totally, andami kung hinulaang items. Pero, miracly, naka26/45 pa ako. Natuwa ulet. Lunch as usual, kain kain. Wahahaa.
Ayun, bagong steps na nga. Weee, nakakasunod naman ako. Tas ano pa, andami din nangyari ee. Si General Batao, wahahahaha. Mga boys talaga ng Mendel, andaming pakulo. Pati yung pose namin, nakaPeace plus ung sa waist pa. Wahahahaa. Di ko talaga naimagine na magiging wild ang mga boys ng Mendel. Akala ko puro Dota lang. Dota, Dota, DOTA. Weee, tas yun, maaga nadismiss, pero tambay kasama ang LARVAK and Dj. Then, nauwi na ako, nauna sa kanila.
Tas yun, the sad news happened, naaksidente si Azer. Nashock ako, ginawa ko ngang stat yun ee. Plus the fact na namatay si Audrey (ng Tayong Dalawa), weee wild. Pati mga boys ng Mendel (ulet), nagGM na patay na si Audrey. Adiik. Home ng mga WILD MAGGM ang Mendel. Weeee.
SEPTEMBER 25, 2009 (FRIDAY)
Ayun, Whole day excused. So wala akong dalang gamit except my camera, wahahahaha. So yun, nalaman namin kung san naconfine si Azer. Yun, bisitahin daw namin siya later. Tas yun, sayaw naman. Oh, at nagbreak pa ako. Bumili ng water, wahahaha. Kaso di ko siya naubos, so nasa pocket ko ung water, eh sa kasamaang palad, nalaglag siya in the middle nung sa partner partner. Well, salamat sa isang secondyir (na di ko alam ang name), hinawak niya water ko hanggang magend ang dance. Weeee.
Then, paend na ang klase, andami pang forum forum. Mcdo daw muna bago bisitahin si Azer, magmeet at 3, ung mga boys na nagDota ata? Wahahahaa. Tas mga kaklase ko naman, libre ko daw ng float. Sus, andami ko ding nalaglag na pera. Wahahaha. So yun, sabi ko kay Krishia D, siya magtake ng order ko, libre ko siya ng float. Okayy, payag siya. Siya nga nagorder, pero ako nagdala nung mga inorder. Weee. Then yun, kain kain.
Tas eto umiral ang pagkaPG ng Mendel. Umorder kasi ng fries si Jose. Eh sila, todo kuha naman ng fries, tipong ngayon lang nakakain. Ayun, nagwalkout si Jose, iniwang ang fries. Diretso na siya kay Azer. Tas after a few minutes, punta na kami.
Yun nga lang, 5 PM pa matatapos ang operation, tas sa ospital di pwede madami, by 5 lang pumasok. So yun, pumasok ang unang 5, then kami balik Mcdo.
Eh yun, madami pa gagawin, so nagpaalam na ako, sabi ko send my regards na lang. So yun, nauna na ako umuwi.
"Azer if you're reading this, get well soon!"
SEPTEMBER 26, 2009 (SATURDAY)
Well, practice day eto. So gising ako maaga, mga 6:30. Kaso si Mama, nagbigay ng news, baha na daw samin. So nagtext ako kay DJ kung pupunta siya, sabi niya OO. So yun, nagdecide pa muna ako.
Kaso, saved by the bell ang mother ni James, di na niya papupuntahin si James (kahit di na kami magkaklase, wahahaa). So yun, tinext ko na lang si DJ na di na ako tutuloy, so natulog na ulit ako.
Then, super bad news ang bumulaga sakin paggising ko ulet. ANTAAS NG BAHA SAMIN!!!! Highest to grabe. Then yun, parang stranded sa house ah. Wahahaha. Malaking bagay talaga ang second floor. So yun. Dun lang kami sa second floor.
Okay, so wasted time by the PC. Kaso mga 3:30 ata, unexpectedly, nagBROWNOUT. This is the worst day ever. It's worse na nga na may rain and baha, pero brownout pa. NO INTERNET, waaaah. Though my laptop, wala din ee.
Since, BROWNOUT + BAHA ang nangyari sa house, nagattempt kami ng aking ate na magpabili ng food sa parents ko. Kaso, sarado daw lahat. Tas stranded din sila. So yun, dusa naman. Natulog na lang ako, umaasang babalik na ang ilaw afterwards.
Kaso, I woke up, still no lights. At mainit at madilim. So yun, dinner na. Walang kwenta, amboring.
Natulog na din ako later. Sa ibang kwarto ako natulog ee. Wahahaha
SEPTEMBER 27, 2009 (SUNDAY) - the highlight of the week!
I woke up, still finding no lights. So yun, another boring day. Medyo late naman ako nagising, kasi usually pag hindi ako nakasimba pag Saturday, early in the morning agad ako simba. So yun, automatic, hapon na ako simba.
So mga late na ng morning, Ate ko, nagdecide na lumabas kami today, sa mall. Manood ng sine or something. So yun, tawag muna kami sa SM San Lazaro, kaso generator lang daw, so mainit. Yun.
Pero, isang good news ang bumulaga samin. No classes kami tomorrow. Wahahaha. So happy naman ako. Then yun, sa gabi na daw kami magsine, pero bahala na kasi nga baka lumakas na naman ang ulan. So yun, temporary lang.
Another good news na naman, after 23 hours of no electricity, may electricity na. So PC agad atupag. Wahahaha. Nagbrowse, wahahahaa. Then ayun, medyo mabilis kasi nga simba pa ako later.
Then yun, 5 PM kami nagsimba. Tas after simba, balik na kami. So yun, inattempt ng mother ko tumawag sa San Lazaro kaso wala. Then, sana SM Manila. Eh wala din. So yun, hopeless, padeliver na lang kami. So yun, magpapadeliver na nga kami, kaso ayaw daw. Baha pa daw ee. Natakot. Eh wala na nga baha.
In the end, natuloy na din ang sine namin. So taxi kami (busy father ko ee) papuntang SM North Edsa (diyan na kami napadpad). So dinner muna kami. KFC sana, kaso pahirapan dahil di nga namin memorize ang mall na to ee (bata pa lang daw ako nung last kami nakapunta). In the end, Shakey's na lang kami. So dinner na, medyo madali.
Tas nanood kami ng sine, ung kay Yaya at Angelina. Natuwa naman kami, wahahahaha. Adiik katuwa nga siya. Tas nung sa gitna, ayun, serious na. Wahahaha.
Tas natapos na din, grabe, katakot na. Gabi ee. Wahahaha at tsaka di ako sanay lumabas sa mall na closing time. Adiik. Last show kasi ee. Weeee. Well, nakauwi na din. Wahahaha.
Kulit ng week na to, as in!
happiness doesn't exist. 6:48 PM
❀
Thursday, September 17, 2009 ❀
Nasa mood sa pagbablog. Okaayyyyyyy. Nakasama namin si Jose sa pila papasok sa quad. Wala lang, nahalata ko din na puro HERTZ girls ang nakapila sa likod ko. Anywayzzz, proceed na.
ENGLISH - Ohaaaa, wala si Mam Lucena. So si Ms. (I don't know the spelling ee, mapapahiya lang ako). Walang STORY TELLING today. nadisappoint naman ako kasi akala ko yun lang gagawin. Anwyayz, sagot sagot lang sa book. Tas mageend na ang period, nagGAME. Basta GAME. Bart Simpson ba? Whatever! Wahahaha, by row ang competition (akala ko ba naman, sila magkakampi). May prize ang matitira. So yun, magtitime na samin, akala ko di na aabutan. Pero, pinaglaro pa rin kami. Okayyy, competition mode, eto lang naalala kong category
ROUND 1: (ZODIAC SIGNS): Taurus sagot ko, syempre zodiac ko ee. (Di na inabot ng 2nd sagot kasi nga naman 12 lang zodiac signs, next round.)
ROUND 2: (ASIAN COUNTRIES): Weeee madalidali. Kaya mabilis lang. Indonesia sagot ko, di ko nga alam kung bakit ee. Unang lumabas sa kukote ko, iyon na.
ROUND 3: (FEMALE SINGER NG ASAP): Okayyy, medyo nakakalito, kasi nga baka maunahan ee. Sagot ko ang mother-daughter na sina Zsa Zsa and Karylle.
Anywayz, malashowdown na. Tas grabeeee, si ASHER kalaban ko?????? Huwaw ah, talagang nafifeel ko na na matatalo na ako. Pero, the show must go on, bawal patalo.
ROUND 4: (PRESIDENTIAL CANDIDATES):Etoooo, grabeeee, medyo nahirapan din ako. Basta obvious first muna. Grabe, hindi naman ibig sabihin na JOURN ako ay may advantage ako. In fact, I DON'T WATCH NEWS. Anywayz, nasurvive ko pa ang round na to.
MOMENT OF TRUTH!!: (ASIANOVELAS): Shakkk! Super natuwa naman ako. Syempre, dami nitong alam na Asianovela ee. So yun, banat lang ng banat kay Asher. Tinutulungan din ako nina Kristine. Well, andami kong naisagot by myself, pero, syempre, couldn't done it without you.
Tas yun, nakita ko, pinaupo na si Asher. Meaning,
I WON!!!!
Natuwa naman ako. Sabay kabado, wahahahhaa. Late na kami sa Physics ee.
PHYSICS - Pagbaba namin, di ko maintindihan kung bakit ayaw pa ng mga Mendel umakyat. Saka ko lang narealize na WALA SI SIR!!!. Huli ako sa balita ngayon. WEAK!!!. Stay sa quad.
CHEMISTRY - The booooooring discussion as usual. Wahahahahaa. Natuwa lang ako dito kay Mam.
MAAM DE PAULA: (sinisita yung sa Group 1) Ui, tingin na kayo dito. Bat ba lagi kayo nakatingin sa mga babae na iyan. Eh, babae di naman ako diba. Di naman aku mukhang aswang!
Ayun, 3 times ako nagrecite. (Do I have to tell you dis.) Anywayz, gusto ko picturan si Mam de Paula, kayaaaaa. After magpasign ng index card:
AKO: Mam question!
MAAM DE PAULA: O?
AKO: Mam pwede ba kita picturan??
MAAM DE PAULA: (nashock bigla) What is the occasion na gusto mo ng picture ko?
AKO: (nag-isip ng hula) Mam, BIRTHDAY NIYO!!
MAAM DE PAULA: (nashock ulit): Hindi ko birthday. Sa March birthday ko.
Sige na, di ko na pinilit ee. Pero, nastolen shot ko si Mam, though mas magaganda pa rin ang mga stolen shots ko niya dati. Anywayz, share.
LUNCH - Ohaaaa, sa bagong tambayan ulit kumain. Si Mam Manalo, akala gusto na namin magklase, sinabi lang naming gutom kami. So later na AA.
AA - Eto nakakaloka, andyan na si Mam sa room, pero 11:30 na kami nagstart magklase, siguro pinagkakagulo yung names ng Burbank. Wahahahha. Oh, and syempre, pinilit namin si Mam na magpapicture. Etoooo
JOURNALISM - Mula sa Chem room, nakikita ko na ang magandang view na wala si Mam Basco dahil may mga Linnae ee. So what else, tambay sa quad.
FILIPINO - Discussion muna tas quiz. 4/5. Sayang one mistake. Waaaaah. Anu bang pumasok sa kukote ko at sinagot na LAHAT NG BIYAYA NG DIYOS AY MAY KATAPAT NA HALAGA. Anywayzzz, tas AWTPUT 4. Sanay ako sa AKROSTIK kaso anhirap patula. So, CLIPPING na lang ginawa ko. HABAMBUHAY. Anywayz, yun.
MUSIC - Andyan si Sir pero may ginagawa siya ee. May pinapraktis? Tambay lang kami sa labas ng kwarto. WHOLE PERIOD yun. Wahahaha. So in short, walang Music.
TRIGONOMETRY - New seating arrangement, new seatmate (di na lang si Jane), new lesson, whaahaha. Tas recitation. Whoaaaaa, buti di ako napili. Mapapahiya lang ako.
ABR- Wala because of the seminar something ata. Yun, tambay ulet.
CS - Woaaaah, anu ba dito? Group work. Daldalan lang kami ee. Wahahaha.
happiness doesn't exist. 8:04 AM
❀
Wednesday, September 16, 2009 ❀
~Nagstorytelling sa ENGLISH. Buti hindi nacut ang akin.
~Naka 6/10 ako sa quiz sa PHYSICS. Pasado yun ha!!
~Nagrecite aku sa CHEM, kahit YES lang naman ang sagot dun ee.
~Wala si Mam Basco, so may LUNCH kami.
~Naka23/25 sa Assignment sa AA.
~86 kami ni Jane sa mechanism sa TW.
~Laughtrip kami at kinwento ni Mam Lazaro ang mga kababalaghan dati sa Masci nung SS.
~Laughtrip din kami sa mga diniscuss ni Mam Okafor nung MAPEH.
~Nainitan at inaantok aku kaya wala akong maintindihan sa TRIGO.
~Catapult testing lang ginawa namin nung ABR.
~Early dismissal kasi walang CS.
HAPPY BIRTHDAY MARIELLE GRACE DELOS-REYES DACUMOS!!!!!
happiness doesn't exist. 4:42 AM
❀
Tuesday, September 15, 2009 ❀
Hayyy, anu ba meron? Ahmmm, maaraw, may flag cem.
Sus, nebermaynd that.
ENGLISH - Lalalalaa, group presentations. Still not satisfied si Mam, pero improvement naman daw.
PHYSICS - Waaah ang formal magdiscuss ngayon ni Sir. Kami, banat lang ng banat.
SIR ARCILLA: Okay, so bakit easy as apple pie lang
KAMI: (basta banat lang, namimilosopo minsan).
SIR ARCILLA: Bakit? Kasi nga, madali lang naman kainin ang apple pie diba?
VLAD: Except lang pag mainit sir.
Anywayzzz, eto pa.
SIR ARCILLA: Oh, bakit ba apple?
KAMI: (banat lang yung iba)
VLAD: Sir, kasi nga may antioxidants siya.
SIR ARCILLA: (parang natawa)
VLAD: Science naman yun diba.
ROUND 3.
SIR ARCILLA: Sino ba ang nagbigay ng Laws of Motion?
MENDEL1: Si MENDEL!!
MENDEL2: Si ARISTOTLE!!
MENDEL3: Ay hindi, si SIR ARCILLA!!
IBANGMENDEL: (ibang sagot, basta hindi NEWTON!)
SIR ARCILLA: Bahala nga kayo diyan.
CHEMISTRY - Lalala, experiment! Basta, work with your groupmates. Tas sagot ko, of course, kinopya :D.
LUNCH - Bagong tambayan. Tas, proud ako. Wahahahaa, seatwork ko, nasa likod. Hahaha.
AA - Discussion.
JOURN - 25 minutes sa baba. Paxerox. Tas gawa ng article.
FILIPINO - May ginawa muna tas pangkatan. Badtrip ulit si Mam as usual.
PRE - TW (oo deserve nito muna ng separate line) - Wala pa ang Calvin, so yun, chika chika with Sir. Eto naman, super kaduper kaloka
SIR APEJAS: Kilala ko na kayong lahat. (Inisa-isa kami by surname). Si Delarmente, si Manalo, si Bargo, si Maravilla, si Perucho at si SANGCOPAN (Shocks, Ako si Najer!! WHAT?? Wala lang)
TW - Nagmistulang mga observers kami ng Calvin. Wahahaha.
SS - As usual, badtrip ulit si Mam Lazaro, andaming late sa boys (TLE!!). Wahahah, anywayz, discussion. Kwento ng kwento ulit si Mam.
MAAM LAZARO: Alam niyo ba nung bata ako, nautusan ako ng nanay ko pumunta sa simbahan, basta dun sa petition. Tas alam niyo ba nakita ko, mga pari dun, nagmamahjong, tas isa pa nga dun, NAGMURA ng PI! Siguro natalo!!
SECTION 2!!!.
MAAM LAZARO: Eto nga, may kwento nga ee. Pari kasi inaway. Inaway ba man din nung pari. E diba nga ayon sa kasabihan, pag binato ka ng tinapay, batuhan mo din ng tinapay. Basta ganun! (di na lang pag binato ng bato, wahahahah!).
SECTION 3!!!!.
MAAM LAZARO: Eto pa nga ee, kasi manonood ako nung Disney on Ice, tas may mga madre ba naman dun! E diba ang mga madre yung mag-aalaga sa mga maysakit. Pero, juskoooo!
ONE LAST.(may memory loss aku)
MAAM LAZARO: Eto pa nga ee, nagsermon ang isang pari. Sa umaga, kapiling ko katawan ni Kristo. Sa gabi, kapiling ko naman ang katawan ni Christy. JOKE LANG. Akala niya natuwa ako sa sermon, pero ako hindi! May ibig sabihin din yun no. Grabe, pag makakita lang ako ng pari, umiinit na ulo ko!
ABR - Lalala, canteen opcors.. Tas nagreporting ang mga di pa nagrereport. Okay, history repeats itself. Natulog na naman si Ian sa ABR, kaya ginawa nila.
ILANG MENDEL: GOODBYE AND THANK YOU MS. (sabay gising si Ian)
Tawanan naman!
CS - Parang homeroom lang. Tas nadiscuss ang sa haircut ng boys.
MAAM FAYLOGNA:Tingnan niyo si Najer!!
MENDEL:YIEEEEEEEEH!!!!!
ISANGMENDEL:Mam si Aris!!
MAAM FAYLOGNA:O si Aris!!!!
MENDEL:YIEEEEEEEEEH!!!
MAAM FAYLOGNA:Pati si Gabriel
MENDEL:YIEEEEEEEEEEH!!!!
MAAM FAYLOGNA:(nakita si PaoloG.) Stand up nga! (tumayo si Paolo G). Yan ang tunay na DELUBYO! Tingnan niyo ang buhok, parang galing lang sa AH1N1.
ETO PA!
MAAM FAYLOGNA:Aabsent ako bukas!
MENDEL:(plastikan!!) Awwwww, MAM MAMIMISS NAMIN KAYO!
MAAM FAYLOGNA:(naghand signals na parang nagchecheer na parang natuwa) YAY!!!
MENDEL:(nagsasabi na mamimiss si Mam kasama yung hand signals na natutuwa)
Okay na, yan na yun!!
.
happiness doesn't exist. 4:46 AM
❀
Monday, September 14, 2009 ❀
Ohaaa random ulit. Sige na.
Pumasok ako sa school, pinapapasok na ang pila ng boys, so relief naman para di na ako mag-intay ng matagal. Tas yun flag ceremony as usual.
ENGLISH - Ayun, diniscuss muna ang Huling El Bimbo. Tell a story daw
MAAM LUCENA: Okay, so who would tell the story of the song. Yes Marc
MARC: (tinuturo si Glenn)
MAAM LUCENA: Ahhh Glenn! We missed you very much. We miss your voice, I miss your voice
Oh yun, basta madami pang nangyari, pero the latter part is censored. Matatakot lang kayo.
PHYSICS - Binago na ang grading system tas seatwork. Buddy system kami ee. Then chinekan, Naka 5 ako, over fifteen. Akala niyo naman may tama akong sagot, sorry, wala ee. Ohaa, highest sina Jonalyn ee. Eto nga ee.
SIR ARCILLA: Napilitan!!
JONALYN: Sir seven.
SIR ARCILLA: Abaaa, nagimprove ah.
JONALYN: Well, nag-aaral ee. Minsan nasa ilalim, minsan nasa ibabaw!!
CHEMISTRY - We paid condolences kay Mam de Paula. Tas yun, kopya kopya experiment. Naging signature line naman ng boys ng Mendel ang linya ni Mam de Paula na "WALA NA". May accent pa ha.
LUNCH - Supposed to be AA na daw, pero di na daw muna pagpalitin. So, san kami tambay? San pa, sa room ni Mam Manalo. Tas nagturo ako kina MJ, Juliet, Romae etc ng AA lessons dati.
AA - Discussion tas seatwork. LOLs, I got a perfect score. Wahahaha!
FILIPINO - Walaaa, buti naman. Nakakatamad ee. Hahahaa.
VACANT - Wala din daw si Sir Pagulayan, so vacant din ng mga TLE. Saya naman nila.
MAPEH - Exercises tas takbo. Naku naman, si Perandos, natapakan ang aking sapatos, kaya natigil ako sa pagtakbo. Turo turo din ng badminton. La akong racket, di ako naglaro, kami ni Mayi, Nahuli naman kami.
MAAM OKAFOR: Oh Sanchez, (may nakitang may kasama ako). sino kasama mo? (pinuntahan kami ni Mayi). Oh, bakit ayaw niyo maglaro
MARIELLE: Mam, ang sakit ng tiyan ko
MAAM OKAFOR: Ay wala nang ganyan. Luma na iyan. Maglaro na kayo!
Well, naglaro nga kami. Shuttlecock ay napunta sa taas ng TLE room ng 1st year. Nebermaynd.
SOCIAL STUDIES - Checking muna ng Student Time. Score ko, 7, over twenty un ha. What do you expect, tamad ako sa ST ee, sanay naman akung bumagsak sa ST ee. :D. Tas yun, ST#2, blah blah blah.
MAAM LAZARO: Nagflag racing activity ba kayo kanina?
AKO: Yes Mam
MAAM LAZARO: Sino naglead ng activity kanina
AKO: Mam, II-Edison po
MAAM LAZARO: Ah Edison. Eh sino yung nandun kanina?
AKO: Mam, yung curriculum chair?
MAAM LAZARO: Oo.
AKO: Mam, si Mam Fajardo po.
MAAM LAZARO: Si Mam Fajardo? Andyan siya kanina?
AKO: Opo Mam.
MAAM LAZARO: Andun? Bat ngayon wala, suguro TUMAKAS!
Tawanan naman. Eto pa pala.
MAAM LAZARO: Alam niyo, first time lang na payagan na PE uniform dito. Sa labinwalong taon ko dito. (mayamaya) Excellence Forever. YAK!
I almost forgot pala, eto natawa akooo
MAAM LAZARO: Oh, anu ba yan! May mga di pa bayad sa Student Time! Lahat ng bagay, wala nang libre ngayon
KING (Mam de Paula accent): WALA NA!
KAMI: (tawanan!!)
ABR - Well, worth it din pala yung di ko paggawa ng Research proposal. Wala ee. So yun, sama kay Romae, nagcanteen, tas bonding with MJ.
TW - Discussion tas groupings. Eto na naman si Sir..., nakitang sa 1/4 lang nagsusulat ng notes.
SIR APEJAS: My my, look at this. The notebook has transformed into a one fourth paper. It really shows how responsible you are.
Tas naalala ko, magrerecite si Ambanloc.
SIR APEJAS: Okay, the mammal who hates being in PE uniform (tawanan). The creature who hates PE uniform (biglang) STAND UP!!! (tawanan naman ulit).
Tas habang mag gugroupings naman.
SIR APEJAS: 1,2,3,4 (nadaan samin nina Najer), My, magkamukha sila diba!!
Sus tagal na nun. Hahahaa, okayy, the rest is history, bear with me na lang
happiness doesn't exist. 4:36 AM
❀
Friday, September 11, 2009 ❀
Well, giving of cards na kanina! Kaso, kulang kami ng grades sa Chem (wala po si Mam de Paula) at ABR (obvious ba, 1 month kaming walang teacher). Well, eto grades ko, juskoooo (with comments)
GREEN ~ SATISFIED
RED ~ UNSATISFIED :D
~ENGLISH = 90 = Well, dalawa lang ata kaming nakaline of 9 diyan, tas okay na yan.
~PHYSICS = 85 = Maipasa ko lang ang Physics, super duper happy na!
~MATH/AA = 90 = Marami ring bumagsak tas LINE OF 9 akooooo! Hayup!
~FILIPINO = 86 = Dahil kasi sa bwiset na 75 na portfolio (sana hindi na lang ako nagpasa) ayun. (Mataas naman PT ko, pati summative, baka sa pangkatan).
~JOURNALISM/TLE = 85 = Alam kong MABABA MAGBIGAY SA JOURN pero ha. LOWEST yan saming mga JOURN (with DJ, pareho pa naman kaming nageffort sa notebook). Baka sa RECITATION (bwiset yung tanong ee).
~SOCIAL STUDIES = 87 = Mas mataas kung ikukumpara sa 1st Quarter grade ko kay Mam Dayrit.
~MAPEH = 89 = Alam mo ba, 71, 62 ang mga computed grades namin. Well, inayos ulit tas 89 akooo!
~TECHNICAL WRITING = 88 = Eto ang totoo! HIGHEST AKO SA LRR, disente naman score ko sa PT, pero bakit 88?? Baka di lang ako palarecite sa Techwri (kasi nga dahil sa pagsink in sink in na iyan, nawawalan aku ng gana mag TW).
~COMPUTER SCIENCE = 86 = Surpising ha!! Disente naman score ko sa PT tas 1 point lang naman bagsak ku sa Summative, peroooo why??
~TRIGONOMETRY = 88 = Disente na iyan sa lagay na iyan. Kahit di ako nagretake ng summative (kulang kasi), 88 pa ako!
O iyan lang muna, wala si CHEM at ABR.
Well happy na rin ako sa grades ko, kasi disente na iyan sa lagay na iyan. Buti na lang di na ako nakatikim ng sermon, pasado Physics ee! :D
happiness doesn't exist. 2:55 AM
❀
Thursday, September 10, 2009 ❀
Ohaaaaa. Nakakatakot ang day ngayon, soooooooo random!
ENGLISH: ~ Boooooring ngayon. Groupings, andaming di prepared. Wahahahaa. Ay eto, natawa naman aku sa sinabi ni Mam Lucena.
MAAM LUCENA: You're just reading right now. Okay, let's sleep first.
Basta, ganun pa din, booooooring. Pero, nabuhayan naman nung sa group nina Johannes. Natawa din aku.
MAAM LUCENA: Are you dying??
Sus, basta yun. Nevermind the rest.
PHYSICS ~ Ay eto pamatay, 12 ang bumagsak samin sa grade, at 2nd sa pinakamaraming bumagsak ang MENDEL. Akala ko isa ako dun, ineexpect ko pa naman na sabihin ni sir na "SANCHEZ, mag-aral ka!" Pero indi ee. Okayyy, exercises, wala si exercise notebook (actually wala pa rin ako) so sa ibang notebook nilagay.
CHEMISTRY ~ Well, obvious ba, wala ee. Early lunch, naaddict sa wiggles.
LUNCH ~ Gawa gawa ng something.
ADVANCED ALGEBRA ~ Nagtake kami ni Elaine ng tinest nung absent kami. Tas chinekan din. Hayup, 33 ako!! Achievement! Tas saka ku lang narealize na may 5 items pa pala sa board. Di ku na inansweran :D. Tas discussion, grabe eto nakakatakot na sinabi samin ni Mam Manalo.
MAAM MANALO
: Ang highest sa inyo ay 88! Lowest? 78!
Juskooo, grabe yun ah, 78?? Then discussion, as usual sa sahig umupo.
MAAM MANALO: Oh Sanchez, anu ginagawa mo?
AKO: Mam, nakikinig ako!!
MAAM MANALO: Akala ko kung ano.
Tas one wild discussion, medyo.
MAAM MANALO: Oh ano sinisimbolize nito.
ISANG MENDEL: Mam, Superman
MAAM MANALO: Tama, Superman.
Okay, eto pa.
MAAM MANALO: (tatanungin yung next kung function o relation) Oh, ano naman yung letter d?
AKO: Mam, Wonderwoman!
MAAM MANALO: Anong Wonderwoman, function o relation.
Ay eto may sinabi pa si Mam
MAAM MANALO: Actually ang dapat diyan, function or not function kasi nga naman lahat relations. Kasi sa isang section, sinagot lahat relations. Eh tama nga naman, lahat relations ee.
Okay eto pa, kaloka
MAAM MANALO: Eh anung symbol nito.
ISANGMENDEL: Wonderwoman!
MAAMMANALO: Anung Wonderwoman, dalawa nga W ee, double Wonderwoman!!
JOURNALISM ~ Wala, pero icontinue yung activity. Okay
FILIPINO ~ Nebermaynd!
MUSIC ~ 25 minutes sa labas tas discussion tas biruin mo PRACTICAL agad. Well, di inabot!
TRIGONOMETRY ~ Activity something tas may mga pinatayong nilalang na akala ko bagsak pero walang seatwork notebook. Eto pala, natawa ako dito.
MAAM FAMA: Oh, yung mga bagsak sa grade, papuntahin ang mga magulang sakin bukas.
MENDEL: Mam, sinusinu ba?
MAAM FAMA: Alam niyo naman kung sinu-sino kayo ah!
Hayup!
ADVANCED BIOLOGY ~ Well, nagsermon lang si Asher tungkol sa seminar nila kanina. Pinilit naming patagalin hanggang magtime. Yun, effective, nagtime! Ay eto pala, loko ako ee.
AKO: (slightly nakataas kamay)
LEAH: Ui si Erwin, magtatanong
ASHER: Ano Erwin?
AKO: Ano middle name mo?
ASHER (napaurong bigla at natawa) Bwiset ka Erwin
Ayun, la lang.
COMPUTER SCIENCE ~ Juskoooo SERMON MARATHON! Andaming kulangkulang, bagsak, wth! Basta. Oh, pero eto ah, kasi si Asher, tinanong grade niya sa MAPEH, ayun sinabi. Ako din gustong malaman, pero I've got more than I bargained for.
AKO: Mam akin po?
MAAMFAYLOGNA (tiningan) Wala ka namang problema sa grades Erwin!
Woooo! Natuwa naman ako! Mababa lang daw sakin PHYSICS (85) FILIPINO (86 - bwiset na portfolio!) at JOURNALISM (basta iniimagine ko na lang!).
Okayyy, ikaw, ready ka na ba sa judgment day mo? Ako hindi ee!
happiness doesn't exist. 3:50 AM
❀
Wednesday, September 9, 2009 ❀
OHA, BALIK ISKUL AKO, ABSENT EE.
Maulan, walang flag cem, kaya diretso na sa rooms.
~Nagkasugat dahil naipit ang kamay sa payong.
~Binati si Aneng ng BELATED HAPPY BIRTHDAY!
~Nag-ingay, nagtanong, nangamusta.
~Namatay daw husband ni Mam de Paula, kaya lang Chem.
~7:10 na, di pa pumapasok ang Calvin sa kwarto, walang AA!!
Okayyy, sige class hours na.
ENGLISH - Litany of Reminders. Paulit ulit na sermon ee. Tas discussion ng Elegy written on a Country Churchyard. Kaantooook. Anywayz, boring naman until...
MAAM LUCENA: According to III-Burbank, Sir Arcilla is not around.
Okay, natuwa naman, ibig sabihin 4 STRAIGHT VACANT KAMI... Kasooooo may Journ kami ee, pero nagtanong sa Hertz kung andun, malalate daw. Ayun. Mga 9 na ata, dumating na daw, so may Journ.
PHYSICS-CHEM - Kelangan pa ba ng explanation.
JOURNALISM - Sus, natakot ako. Parang magagalit na naman samin si Mam. Pero, hindi. Tas, siguro di pa kami nagsisimula sa paggawa ng activity.
KRISHIA: Ui, may nagtext, suspended na daw.
MAAM BASCO: Owsssss! Suspended na!
AKO: (tingin sa cellphone): Nagtext mother kooo, uwian na ba daw?
Ayun, todo kalat na kami ng text. Tas naging official na. Pero daldalan lang kami sa rum, talking about things. Hanggang nagvolunteer kami na magencode sa PC. So yun, aku nagtype! Namangha naman sila.
Well, nasuspend nga. So yun
KUNG KELAN MAGSUSUSPEND ANG DEPED, SAKA TUMITIGIL ANG ULAN. PERO PAG HINDI PA NAGSUSUSPEND, LUMALAKAS NG LUMALAKAS.
happiness doesn't exist. 1:13 AM
❀
Tuesday, September 8, 2009 ❀
OHA!!!
First post ko dito sa blogspot.
La lang, tagal ku nang gusto magblogspot ee!
ABSENT aku ngayon
Nilagnat kasi!
Anywayz, pag naview niyo ito. Palink naman oo
happiness doesn't exist. 4:31 AM
❀